Mayor Isko Moreno iginiit na solusyon ang pagpapabakuna kontra COVID-19 para manumbalik ang ligtas na pamumuhay.
Nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.
Ayon kay Moreno, wala nang oras para patagalin pa ang anumang nalalabing oras ng bawat isa para matiyak na hindi na lolobo pa ang malalagas na buhay dahil sa nakamamatay na virus.
Pero paglilinaw ng alkalde, hindi niya pinipilit ang sinumang pipiliing hindi magpaturok ng bakunang gawa ng Sinovac ng China at sa halip ay maghintay muna ng ibang brand nito.
Ang gusto lang ani Moreno na iparating sa publiko na ang ikinasang vaccination program ay solusyon tungo sa buhay na mapayapa at ligtas sa anumang banta ng virus.
Vaccination is the solution to the nation that is the key for our healthy lives for days, weeks and months,” ani Moreno