Hindi magbabago ang pasya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa face-to-face classes kahit pa dumating na ang unang supply ng COVID-19 vaccine sa bansa mula sa Sinovac ng China na nasa 600,000 doses.
Iginiit ng Pangulo na ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga kabataan.
Una nang ibinasura ng Pangulo ang hirit ng ilang opisyal ng Department of Education na uubra nang isagawa ang face-to face classes dahil sa panganib ng COVID-19.