10% ng mga health worker mula sa Philippine General Hospital (PGH) ang nais magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac.
Ayon ito kay Dr. Jonas Del Rosario, spokesperson ng PGH kaya’t halos 1,000 bakuna lamang muna ang inilaan nila para sa kanilang mga empleyado.
Subalit sa kabuuan ipinabatid ni Del Rosario na tuwang-tuwa ang maraming empleyado nila na mayroon nang bakuna kontra COVID-19.
Ito aniya ay bagamat nasa age group na 18 hanggang 59 lamang maaaring iturok ang nasabing bakuna ng Sinovac.