Patuloy na pinaghahandaan ng Department of Education (DepEd) ang posibleng pagbabalik ng limited face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVDI-19.
Ayon kay Education Undersecretary Diosdado San Antonio, pinagpapatuloy pa rin nila ang paghahanda habang hinihintay na mapayagan ang pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes.
Bagama’t aniya ipinatutupad naman nila ang desisyon ng pangulo na ipagbawal ang face to face classes, hindi umano sila tumitigil sa paghahanda upang hindi masayang ang oras.
Kung magiging maayos at handa umano ang lahat sa oras na payagan na ang face-to-face classes, ay agad nila itong maipatutupad.