Naitala ang 109 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.
Sa datos na inilabas na datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot na sa 15,023 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 sa higit 87 mga bansa.
Sa naturang bilang, 4,547 sa mga ito ang patuloy pang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Lumobo naman ang bilang ng mga nakarekober sa virus na nasa 9,455 na matapos na maitala ang 55 mga bagong gumaling sa COVID-19.
Sa kaparehong datos, 1,021 na mga Pilipinong nasa ibayong dagat ang nasawi dahil sa virus matapos na maitala ang 3 panibagong related deaths nito.