Nagpakawala ng mainit na abo ang bulkang Sinabung sa Indonesia na may taas na limang kilometro ngayong Martes.
Ito ang kauna-unahang pagputok ng Mount Sinabung simula noong Agosto nang nakaraang taon.
Bunsod nito, inilagay na sa ikalawang pinakamataas na alert level ang probinsya ng North Sumatra.
Ayon sa Indonesia’s Volcanology and Geological Hazard Mitigation Centre, wala namang naitalang nasawi dulot ng insidente at patuloy na pinanatili ang mga residente sa layong tatlong kilometro mula sa bunganga ng bulkan.— sa panulat ni Agustina Nolasco