Umaabot sa 1.125 milyon ang namamatay kada taon sa buong mundo dahil sa road accidents.
Ayon kay World Health Organization (WHO) Chief Margaret Chan, karamihan sa mga aksidenteng ito ay naitatala sa mga pinaka-mahihirap na bansa.
Matatagpuan naman umano sa Africa ang mga pinaka-mapanganib na kalye o kalsada.
Batay sa UN Health Agency’s Global Status Report on Road Safety, bukod sa nananatiling mataas ang bilang ng mga namamatay sa aksidente ay dumarami rin ang bilang ng mga sasakyan.
Ayon sa WHO, kahit nagsusumikap ang mga mayayamang bansa na mapaunlad ang mga serbisyo nila sa kalsada ay naiiwan naman ang mga developing countries.
By Jelbert Perdez