Ibinasura ng mga adviser ng gobyerno ang panukalang unahing bakunahan ang ilang personalidad o influencers para mapalakas ang tiwala ng publiko sa mga bakuna kontra COVID-19.
Kasunod na rin ito nang pag-amin ni Presidential Spokesman Harry Roque na naglaan ang IATF ng 50 bakuna para sa aniya’y infuencers upang mapalakas ang vaccine confidence na tinabla naman ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).
Sinabi ni Roque na kung anumang mayroon na supply ng bakuna ay dapat ibigay muna sa medical frontliners at hindi sa influencers na kinabibilangan ng mga opisyal ng gobyerno, media personality at celebrity.