Ibinunyag ni Anakalusugan Party List Representative Michael Defensor na hindi inilipat sa pondong pambili ng COVID-19 vaccine ang P20 bilyon na kinaltas sa pension and gratuity fund ng mga pulis at sundalo.
Ito ayon kay Defensor ay dahil nananatili sa P2. 5 bilyon ang nakalaang pondo sa pagbili ng bakuna sa ilalim ng 2021 national budget.
Nagsisinungaling aniya si ACT CIS Party List Representative Eric Yap na unang nagsabing idadagdag sa pondong pambili ng bakuna ang ibinawas na pension and gratuity fund dahil ang P20 bilyon ay ginawang pork barrel fund o pondo para sa mga imprastruktura.
Sa ginawang pulong ng bicameral conference committee nasa P182 bilyon ang umano’y ginalaw na pondo ng mga Kongresista.