Napipintong magpatupad ng kaltas singil sa kuryente ang Meralco sa buwang ito.
Ito ayon sa Meralco ay dahil sa nakikita nilang pagbaba ng generation coast at epekto ng refund order mula sa energy regulatory commission.
Ipinabatid ni Meralco Spokesman Joe Zaldariaga na ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagkaruon ng bawas singil sa kuryente kung saan malaking factor ang pagkakasama ng average refund rate na 0.1528 ¢ kada kilowatt hour bilang bahagi ng distribution rate true up ng Meralco.
Nuong isang buwan ay nasa 7.04 hanggang 8.67 ¢ kada kilowatt hour ang ibinawas ng Meralco sa singil sa kuryente mula sa 8.75 ¢ noong Enero.