Pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes at clerkship programs para sa kanilang health related programs ng apat na medical schools sa lungsod.
Ito’y matapos na makipagpulong si Moreno sa mga kinatawan ng mga apat na medical schools na kinabibilangan ng pamantasan ng lungsod ng Maynila–college of medicine, metropolitan medical center–arts and science, Chinese general hospital, maging ang Manila theological college–college of medicine.
Ayon kay Moreno ang naturang hakbang ay para maisakatuparan ng mga ito na makabuo ng mga bagong henerasyon ng mga medical workers na kalauna’y tutulong sa paglaban ng pamahalaan kontra virus.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay inaprubahan din ni Moreno ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga medical and allied courses sa ilan pang paaralan sa lungsod.