Sisimulan na sa Biyernes, Marso 5 ang mass vaccination sa Cardinal Santos Medical Center.
Magugunitang dito na-admit ang pinaka unang kaso ng local transmission ng COVID-19 sa bansa.
Dito rin naka-quarantine ngayon si San Juan City Mayor Francis Zamora na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Raul Pagdanganan, President at CEO ng Cardinal Santos Medical Center, tinatayang nasa 61% ng mga doktor sa ospital ang naka-schedule na magpabakuna.