Nagbabala ang ilang eksperto sa bisa ng bakunang Astrazeneca kung saan kakaunti lamang ang proteksyon nito mula sa South African COVID-19 variant.
Ayon kay molecular biologist at OCTA research fellow Fr. Nicanor Austriaco, dapat alisin na ng Pilipinas ang B.1.351 na variant dahil ito ay isang hadlang sa pagkamit ng kaligtasan.
Dagdag ni Austriaco, ito’y matapos makitaan na nasa 10% lamang ang epekto nito sa nadetect na South African variant.
Maaari aniyang mabalewala ang pagdating ng bakunang Astrazeneca sa bansa dahil sa naturang variant.
Samantala,kung hindi maaalis ang B.1.351 variant sa bansa mahihirapan malabanan ang virus sa buong mundo.
Umaaasa naman si Austriaco na darating na ang mga bakunang inorder ng bansa na mahigit 400 doses ng Astrazeneca bukas.— sa panulat ni Rashid Locsin