Nanawagan si Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado sa national government na ayusin ang Bulo Dam na nagdudulot ng mga pagbaha sa kanyang lalawigan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Alvarado na nagluwal na ng pondo ang pamahalaan para sa pagsasaayos ng naturang dam sa pamamagitan ng National Irrigation Administration o NIA upang maibsan ang mga pagbaha sa lugar.
Subalit, giit niya, sa tuwing nagkakaroon ng malakas na pag-ulan ay mabilis pa ring umaapaw ang tubig dahil hindi naman naipatutupad nang maayos ang proyekto.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Governor Wilhelmino Sy-Alvarado
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita