10 katao patay kabilang ang dalawang piloto matapos ang bumagsak ang isang eroplano sa South Sudan, North Africa.
Nangyari ang insidente nang makaalis na ito mula sa Pieri airstrip sa South Sudan habang nasa himpapawid patungong juba nang maganap ang aksidente.
Nagpaabot naman ang gobernador ng Jonglei state ng pakikiramay sa pamilya ng mga namatayan.
Kinumpirma naman ng Direktor ng South Supreme Airlines na hindi bumalik ang isang sasakyang panghimpapawid nito sa jome base juba nang hindi nagbibigay ng detalye.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon upang makakalap pa ng impormasyon ukol sa nangyaring insidente.— sa panulat ni Rashid Locsin