Humingi ng paumanhin si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga retiradong sundalo dahil sa atrasado nilang pension differentials.
Sa courtesy call kay House Speaker Lord Allan Velasco, sinabi ni Lorenzana na kailangan pang maghintay ng kaunting panahon ng mga retirees dahil nagugol ang pera sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Alanganin aniya na maisabay ngayon ang pensyon sa mga retirado dahil prayoridad ngayon ang pagbili ng bakuna ng gobyerno.
Una rito, nagkaroon ng pagtatalo sa Mababang Kapulungan sa pagitan ng kampo ni dating house speaker Alan Peter Cayetano at Velasco dahil sa usapin ng P20-bilyong kaltas sa pension and gratuity fund (PGF) para sa mga retired uniformed personnel sa ilalim ng 2021 general appropriations act.