Bumilis pa sa ikalimang sunod na buwan ang naitalang inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong Pebrero ngayong taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 4.7% ang inflation noong Pebrero, na mas mabilis kumpara sa 4.2% na naitala noong Enero.
Ang pagtaas naman ng inflation ay dahil sa mabilis ding pag-akyat ng presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa naturang buwan.
Samantala, ito na ang pinakamataas na naitalang inflation rate mula noong Enero ng taong 2019 kung saan rumehistro sa 4.4% ang inflation.