Inaasahang darating sa bansa ang unang batch ng COVID-19 vaccines ng American company na Moderna sa Hunyo.
Ito ay ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez kung saan, nasa 20-milyong doses ang inaasahang matatanggap ng Pilipinas.
Kalahati sa naturang mga bakuna ay gagamitin ng pribadong sektor, habang ang nalalabi naman ay para sa mga health workers at sa mga lokal na pamahalaan.
Ang COVID-19 vaccine ng Moderna ay nagpakita ng 94% efficacy rate matapos ang isinagawang human trials rito.