Naghahanda na ang pamahalaan ng mas malawakang pagpapalikas sa mga Pilipino sa Myanmar.
Ito’y dahil sa patuloy na paglala ng sitwasyon doon dahil sa madugong kilos protesta kung saan ikinasawi ng aabot sa halos 40 ralyista.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., magpapalabas ang kagawaran ng abiso sa lahat ng Pinoy sa Myanmar na umuwi na sa Pilipinas habang kakayanin pa ng sitwasyon ngayon.
Napag-alaman din kasi ni Locsin ang pagpapaalis ng Singaporean government sa mga residente nito na nasa Myanmar.
Una rito, na-repatriate na noong ika-15 ng Pebrero ang nasa 139 na Pinoy.