Nakatanggap ng aqua culture livelihood projects ang mga dating piggery owners sa mga Barangay Bagong Silangan at Payatas sa Quezon City.
Ito’y makaraang malugi ang mga nasabing hog raisers dulot ng epekto ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar.
Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paghahandog ng 3,000 semilya ng tilapia na pinakawalan sa mga dating kural ng baboy na isinaayos upang gawing maliit na fish pond.
Kasabay nito, namahagi rin ang BFAR ng mga filtration unit at feeds para sa mga nabahaginan ng tulong mula sa pamahalaan.