Nagbabala sa publiko ang pamunuan ng Philippine Postal Post (PHLpost) hinggil sa kumakalat na email scam.
Ayon sa PHLpost, huwag basta-bastang maniwala sa anumang messages gamit ang email, SMS, o social media na nagsasabing may paparating na parcel o anumang sulat na kailangan kunin sa tanggapan ng ahensya sa maliit na halaga.
Paliwanag ng PHLpost, ito’y malinaw na scam o pangloloko ng mga kriminal.
Kung kaya’y payo ng PHLpost sa sinumang makakatanggap ng naturang mensahe, ay alamin muna kung ito ba’y may tracking o parcel number at i-verify sa PHLpost customer service na 8527-0111 o kaya’y sa 827-0107.