Pinulong ng Department of Health (DOH) ang mga kawani ng iba’t-ibang ospital sa Metro Manila upang mapigilan ang tumataas na admission ng mga COVID-19 patients sa mga pagamutan sa nakalipas na ilang araw kasunod ng pagdating sa bansa ng mga bakuna.
Ilan sa mga nangungunang ospital sa National Capital Region tulad ng Philippine General Hospital (PGH) ang nakakaramdam na ng epekto ng pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng nahawaan ng virus, na tila nagkakaroon na umano ng tinatawag na “mini-outbreak.”
Ayon kay PGH Spokesperson Jonas Del Rosario, nakababahala ang naitala nilang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng napakaiksing panahon.
Dahil dito, pansamantala nang sinuspende ang clinical rotation ng mga medicine interns at ang face-to-face consultations sa mga klinika ng PGH.
Hinala ng PGH spokesman, na posibleng mayroon silang pasyente na nagkaroon ng new variants kaya’t agad na tumaas ang kanilang COVID-19 cases admission.
Nababahala naman si Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega, na baka sumipa ang health care utilization sa mga pagamutan kapag hindi napigilan ang pagkalat ng virus.