Matapos ang mahigit apat na linggong pagpapatupad ng malakihang taas-presyo ng mga produktong petrolyo, sa wakas inaasahan nang magkakaroon ito ng kakarampot na pagbaba sa susunod na linggo.
Ayon sa industriya ng langis, posibleng bumaba ng 40 sentimo hanggang 50 sentimo ang kada litro ng diesel o krudo.
Habang kakarampot na 10 sentimo lamang ang matatapyas sa kada litro ng gasolina.
Epektibong ipatutupad ang small-time oil price rollback na ito sa araw ng Martes, Marso a-nuwebe.
Matatandaan na ilang linggo na ang nakalilipas, nang magpatupad ng magkakasunod na malakihang dagdag-presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa na aabot sa humigit kumulang na piso para sa kada litro ng gasolina at diesel.