Aabot sa mahigit 13,000 na ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 mula sa 39 na mga vaccination sites.
Ayon kay DOH Spokesperson Usec. Ma. Rosario Vergeire, 61 sa nabanggit na sumailalim sa pagbabakuna ang nakaranas ng adverse events.
Kasunod nito, iniulat din ng health department ang biglaang pagtaas ng mga sumasailalim sa pagbabakuna sa nakalipas na linggo.
Mula sa 700 nagpabakuna nuong Marso a-primero ay tumaas ito sa tatlo hanggang 4,000 makalipas ang dalawang araw.
Dahil dito, umaasa si Vergeire na lalo pang tataas ang bilang ng mga magpapabakuna sa mga susunod na araw ngayong dumating na sa bansa ang AstraZeneca.