Tinatayang aabot sa 50 babaeng riders at bikers ang nakiisa sa isinagawang unity ride ng grupong ka-gulong.
Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day bukas, Marso 8.
Binagtas ng mga lumahok na rider at biker ang kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City mula eliptical road patungong tanggapan ng Commission on Human rights.
Kanilang ipinanawagan sa pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang mga babae at magkaroon ng ligtas na mga kalsada para sa mga ito.
Batay sa datos ng grupo, aabot sa 28 kaso ng mga pang-aabuso sa mga babae ang kanilang naitatala mula nang magsimula ang lockdown sa bansa.
Kabilang na rito ang rape, sexual abuse, child pornography at iba pa.