Mananatiling sarado ang mga sinehan at gaming arcades sa Metro Manila habang patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang iginiit ng Metro Manila Mayors kasunod ng naging kautusan ng Inter-Agency Task Force o IATF na luawagan na ang ilang quarantine restrictions upang mabuhay muli ang ekonomiya.
Ayon kay Metro Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos, ito ang napagkasunduan ng mga metro mayors sa kanilang naging pulong kagabi.
Ang resolusyon ginagawa na at ito’y pipirmahan at kaya ko naman dapat sabihin ito dahil naibalita na baka naipopen na, para masabihan naman ang mga kasama na hindi poi to matutuloy , ito ay suspended po. Dahil sa nangyayari sana maunawaan po nila, dahil concerned lang naman ang mga alkalde,″pahayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos.
Kaugnay nito, sinabi ni Abalos na inihahanda nila ang resolusyon at kanila itong ilalabas sa lalong madaling panahon.
Samantala, umapela si Abalos sa publiko lalo na sa mga tag-Metro Manila na huwag magpaka-kampante dahil sa na riyan pa rin ang banta ng virus na lalo pang lumalakas at tumatapang.
Merong naghuhubad ng mask, pero for me ang pinakadelikado rin ay habang kumakain ka. Specially sa opisina, kapag kumakain tayo salo-salo pa e’ parang buffet e’ kampanete tayo e’ kaya siguro habang kumakain baka pwede solo-solo muna, ingat-ingat muna tayo, dahil itong African Swine Flu, UK variant kakaiba po ito, ”wika ni MMDA Chairman Benhur Abalos.