Nakapagtala ang Philippine Red Cross ng mas mataas na COVID-19 positivity rate sa kanilang confirmatory tests mula noong nakaraang buwan.
Ayon kay Dr. Paulyn Ubial, head molecular laboratories ng PRC, kung noong Disyembre hanggang Enero ngayong taon ay nasa dalawa hanggang apat na porsiyento lamang ang positivity rate ng ahensya, nitong Pebrero ay pumalo na ito sa pito hanggang 11 % .
Mahigit 400 samples na rin aniya ang ipinadala ng PRC sa Philippine Genome Center (PGC) para isalang sa sequencing.