Inatasan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang Philippine National Police (PNP) na mas paigtingin pa ang pagtugis sa pangunahing suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Eduardo Sanchez Dizon sa Kidapawan City.
Sa isang memorandum kay Brig. Gen. Michael John Dubria, direktor ng Police Regional Office o PRO-12, ipinag-utos ni PTFoMS Executive Director Joel Sy Egco ang pagbuo ng Special Tracker Teams upang mas mapabilis ang paghuli kay Tabusares at sa isa pang umano’y kasabwat nito na si Junell Poten.
Si Dizon ay nasawi matapos tambangan ng riding-in-tandem habang pauwi ng kanilang bahay sa Makilala noong Hulyo 10, 2019.