Dumoble ang bilis ang takbo ng mga tren ng MRT-3.
Ipinabatid ni MRT-3 Director for Operations Michael Capati na nasa 60 kilometers per hour na ang operating speed ng MRT-3.
Dahil dito, sinabi ni Capati na nasa 8 minuto hanggang 9.5 minuto na lamang ang waiting time mula sa dating 10 hangggang 15 minuto.
Kasabay nito, inihayag ni Capati na 66 na mula sa 72 bagon ng MRT ang nagagamit na at ang anim na bagon ay inire-repair.
Sa gitna na rin ito nang patuloy na pag-upgrade sa MRT-3 operations, batay na rin sa Build, Build, Build program ng Duterte administration.