Lalong nawalan ng pangangailangang mag-time out ang medical frontliners.
Ayon ito kay Dr. Jonas Del Rosario, spokesman ng Philippine General Hospital (PGH), sa gitna na rin nang patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Del Rosario na bago pa lamang ang pagbugso ng admissions subalit nakadepende naman ito sa trend at tiwala aniya silang hindi na babalik sa dati ang sitwasyon ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ipinabatid ni Del Rosario na naabot na ng PGH ang 100 mark o bilang ng mga pasyenteng na-admit sa nasabing ospital dahil sa COVID-19 ngayong buwan.
Kahapon lamang aniya ay nasa 102 ang pasyenteng na admit sa PGH subalit ang pinakamataas nila ay nasa 105 kaya’t kailangan na naman nilang ireconvert ang ilang kuwarto ng ospital.