Rerepasuhin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong linggo ang desisyon nitong luwagan ang quarantine restrictions sa gitna na rin nang pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Kabilang sa rerepasuhin, ayon kay testing czar Vince Dizon, deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, ang pagbubukas ng mga sinehan na una nang ibinasura ng mga alkalde sa Metro Manila.
Bukod dito, sinabi ni Dizon na kailangan ding ma-review kung kailangang ipatupad muli ang barangay quarantine pass para sa mga lalabas ng kanilang mga bahay bagamat hindi pa naman nila kinukunsidera ang muling pagbalik sa pinakaamahigpit na quarantine protocol.
Dapat din aniyang marepaso ang mga protocol kaugnay sa pagpasok ng local tourists.