Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na i-angat ang estado ng kababaihan sa nararapat na estado nito sa lipunan.
Ito ang panawagan ng Pangulo ngayong International Women’s Day.
Ani Pangulong Duterte, nararapat lang na kilalanin ang papel ng mga kababaihan sa ating komunidad dahil nakapag-ambag ito ng kabutihan sa ating bayan.
Dagdag pa nito, hinikayat ng Pangulo ang sambayanan na suportahan ang laban ng mga kababaihan partikular sa pagturing sa kanila bilang ‘equal partners of men.’