Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Maynila na kanila nang inihahanda ang ayuda o tulong para sa 700,000 pamilya para buwang ito.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang naturang ayuda ay bahagi ng kanilang food security program na layong bigyan ng food boxes ang bawat pamilya sa lungsod habang hindi pa nababakunahan ang nasa 70% ng kanilang populasyon.
Dagdag ni Moreno, ang naturang food boxes ay buwan-buwang ipamimigay sa libo-libong pamilya.
Sa huli, binigyang diin ni Moreno na ang naturang programa ay bahagi ng kanilang pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic na maibsan ang gutom ng bawat Manileño.