Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Debold Sinas ang maringal na pagpapasinaya sa bantayog ni BGen. Rafael T. Crame sa kanilang punong tanggapan sa QC.
Ito’y bilang paggunita ng PNP sa naging ambag ni General Crame sa hanay ng Pulisya bilang unang Pilipinong naging pinuno ng Philippine Constabulary
Panauhing pandangal sa nasabing okasyon si National Historical Commission of the Philippines Chairperson Rene Escalante kasama ang mga naiwang ka-anak ni Heneral Crame.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, ang bagong bantayog ni Heneral Crame na yari sa tanso ay obra ni G. Jonas Roces na kinumisyon ng NCHP upang i-akma sa kanilang pamantayan ang bagong disenyo nito.
Sa kaniyang talumpati, pinapurihan ni Escalante ang hindi matatawarang kabayanihan ng tubong Malabon na si Heneral Crame sa pakikipaglaban sa mga mananakop na Armericano at Hapon. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)