Muling kinansela ng Korte Suprema ang isasagawa sana nitong oral arguments patungkol sa mga petisyon na layong pigilin ang pag-iral ng Anti-Terror Law.
Ayon kay Clerk of Court Edgar Aricheta ang naturang suspensyon bukas ay dahil pa rin sa ilang mga mahistrado nito ang nakasailalim sa self-quarantine kontra COVID-19.
Dahil dito, itinakda sa ika-16 ng Marso ang pagpapatuloy ng oral arguments.