Pumalo na sa 1,820 ang bilang ng mga health workers sa Maynila ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ayon sa Manila LGU, ang bakunang ginamit sa mga health workers na ito ang Sinovac vaccine na donasyon ng China sa Pilipinas.
Magugunitang noong March 2 nang pasimulan ang vaccination roll-out ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa kanilang mga health workers.
Kaugnay nito, patuloy na nananawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na magpabakuna para nang sa ganon ay magkaroon ng proteksyon laban sa virus.