Sa loob ng bahay pinakamatindi ang nakikitang hawahan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil lahat ng miyembro ng pamilya ay nakikitaan ng mga sintomas ng virus.
Ayon ito kay Dr Rolly Cruz, chief epidemiologist ng Quezon City, batay na rin sa mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, taliwas noong isang taon na isa o dalawa lamang miyembro ng pamilya ang nahahawahan.
Kaya makikita aniya sa mga quarantine facilities nila sa lungsod ay okupado ng pami-pamilya.
Binigyang diin sa DWIZ ni Cruz na mas high risk sa loob ng bahay dahil hindi naman naka-face mask ang mga tao rito.
Karamihan sa mga kaso natin ay nakukuha within the household. Ibig sabihin, pag may tinamaan sa isang bahay, talagang ang nahahawaan nya, halos lahat. Katulad noong mga nakaraang buwan, noong nakaraang taon, na isa o dalawa lang ‘yung nahahawa niya [COVID-positive] sa isang bahay. Ngayon nakikita na kung merong lima sa isang bahay, halos lahat sila, nahahawaan sila,” ani Cruz. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais