Hindi isasailalim sa “full-scale lockdown” ang buong bansa.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Roque, maraming paraan upang maresolba ang patuloy na pagtaas ng kaso tulad ng pagsunod sa mga health and safety protocols, pagsasagawa ng localized lockdown ng mga local government units at pagpapaigting ng contact tracing at testing sa mga lugar.
Dagdag ni Roque, nasa 70% pa ang mga bakanteng intensive care unit (ICU), isolation facilities at COVID-19 ward sa mga ospital ang hindi pa nagagamit.
Samantala, sinabi naman ni testing czar na kailangan suriin at pag-aralan mabuti ang pagpapatupad ng quarantine pass para sa mga lalabas ng mga bahay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa lansangan. —sa panulat ni Rashid Locsin