Kasado na ang isasagawang full scale crash exercise ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa susunod na buwan.
Ayon kay MIAA General Manager Jose Angel Honrado, layon ng nasabing drill na mapaangat ang standard ng mga paliparan at airline companies at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Partikular aniyang ipapakita sa naturang emergency drill kung paano magiging mabilis ang pagresponde ng medical, fire, rescue at operation personnel ng isang paliparan.
Sinabi pa ni Honrado na layon din ng drill na mapataas ang standards na ibinibigay ng International Civil Aviation Organization.
By Judith Larino