Pitumpu’t tatlong porsyento (73%) ng mga Pilipino ang naniniwalang naging malapit o close sila sa kanilang mga kapamilya dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na dahilan kaya’t marami ang nanatili sa bahay para makaiwas sa impeksyon.
Gayunman, lumalabas din sa tugon ng nasa survey ng OCTA Research na 50% ng 1, 200 respondents pataas ang nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan at 28% naman ang nakaranas ng stress o matinding pagkalungkot.
Sa mga nakaranas ng closer ties sa kanilang pamilya, ang pinakamataas na porsyento ay naitala sa National Capital Region (NCR) – 80%, Luzon – 82%, Visayas – 56% at Mindanao – 63%.
Sa epekto naman ng pandemya sa ekonomiya, pinakamalaking bilang mula sa 50% ng mga respondents na nawalan ng trabaho ay mula sa NCR na naitala sa 60% at pinakamababa naman ay sa Visayas na may 45%.
Ang face-to-face survey ay isinagawa mula ika-26 ng Enero hanggang ika-1 ng Pebrero.