Umakyat pa sa 1.6-milyon ang mga Pilipinong walang trabaho sa Enero ng taong ito.
Ayon kay national statistician Claire Dennis Mapa, nasa 8.7% ang unemployment rate sa unang buwan ng 2021 at ito aniya ay katumbas ng 4-milyong Pilipino may edad 15-pataas na walang trabaho.
Sinabi ni Mapa na ang unemployment rate sa taong ito ay mas mataas sa 2.4-milyong mga Pinoy na walang trabaho noong Enero 2020 at bahagyang mataas din kumpara sa October labor force survey na nasa 3.8-milyon.
Samantala, batay sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority, nananatili sa 91.3% o katumbas ng 41.2-milyong Pinoy adults na may trabaho nitong Enero.