Kukuha ng mas marami pang contact tracers ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa gitna na rin nang patuloy na pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, sila mismo ang kukuha ng contact tracers na ilalagay nila sa mga local government units sa Metro Manila.
Inihayag ni Abalos na sakaling matukoy bilang contact, kaagad nilang ihihiwalay ang mga ito at kailangan aniya nilang matutukan ang mga bahay, hanay ng transportasyon at ikatlo ang workplace.
Sinabi ni Abalos na magpupulong ang Metro Manila Council ngayong linggo para talakayin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na sa rehiyon.