Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra si National Bureau of Investigation Officer-In-Charge Eric Distor na magsagawa ng parallel investigation sa kasong pagpatay kay Calbayog City Samar Mayor Ronaldo Aquino at sa tatlong iba pa.
Ipinabatid ni Guevarra na inatasan na nila ang NBI na kumilos sa kaso dahil lumalabas sa paunang imbestigasyon na may sangkot na miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Base naman sa inisyal na report ng mga pulis, dalawang grupo ang nasangkot sa barilan : grupo ni Aquino at grupo ng mga pulis mula Integrity Monitoring and Enforcement Group at Samar Provincial Drug Enforcement Unit.
Magugunitang nuong Lunes pinaulanan ng bala ang sasakyan ni Aquino sa Barangay Lonoy sa Calbayog na ikinamatay ng Alkalde at dalawa nitong kasama.
Samantala, kikilos ang NBI upang makapagsagawa ng patas na imbestigasyon.—sa panulat ni Rashid Locsin