Inaasahan ngayong araw ang pagdating sa Cebu ng mahigit 20K doses ng Astrazeneca COVID-19 vaccine.
Ito ang kinumpirma ng Department Of Health o DOH-7 para sa pagpapatuloy ng kanilang vaccination rollout.
Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, Chief Pathologist ng DOH-7, naghanda na ang ilang pagamutan ng listahan sa mga mabibigyan ng bakunang Astrazeneca tulad ng health care workers na may edad na 60 pataas.
Dagdag ni Loreche, naging patas ang pamamahagi ng Sinovac vaccine sa ilang mga pagamutan sa Central Visayas.
Samantala, sinabi rin ni Loreche, ang mga matitirang bakuna ay ibibigay umano sa ibang mga frontliners na pumili ng mabakunahan ng naturang brand mula sa UK.
Sa ngayon, nasa 2,300 na medical workers ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19 at 52 ang nakaranas naman ng adverse effect.— sa panulat ni Rashid Locsin