Umabot na sa kabuuang 603,308 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH), ito’y makaraang maitala ang 2,886 na mga bagong kaso sa ng virus.
Sa kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 44,470 ang bilang ng mga aktibong kaso.
Sa kaparehong datos, naitala rin ang 17 na mga bagong nasawi sa virus, kaya’t pumalo na sa 12,545 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
546,293 naman ang total recoveries sa bansa matapos na maitala ang 221 na mga bagong gumaling dito.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,886 ngayong Miyerkules, Marso 10.
Pumalo na sa kabuuang 603,308 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 44,470 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/MOh5Jx8KOT
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 10, 2021