Aabot sa 61 abogado ang napaslang simula nuong pumasok ang administrasyong Duterte nuong 2016.
Ito ay batay sa ulat ng Free Legal Assistance Group (FLAG) kung saan sa nasabing bilang, lumabas na 26 ang may kaugnayan sa trabaho ang pagkasawi.
Labing lima (15) naman na abogado ang nasawi dahil umano sa iligal na droga, 12 ang sinasabing dahil sa personal na motibo at 15 ang hindi pa matukoy na dahilan.
Ngunit ayon sa FLAG, wala pang naarestong suspek sa 73% ng mga krimeng ito.
Isa aniya ito sa katunayang bigo ang gobyerno na mapunan ang obligasyon nitong mabigyan ng proteksyon ang mga abogadong nalalagay ang buhay sa panganib dahil sa pagsisiwalat ng katotohanan.