Pag-aaralan ng National Task Force against COVID-19 (NTF) na gawing 24/7 ang vaccination program sa Pilipinas.
Ayon kay NTF Deputy Implementer Vince Dizon, ito’y para mas marami at mas mabilis ang pagbabakuna sa buong bansa.
Sa oras aniya na magdatingan na ang milyun-milyong bakuna na binili ng Pilipinas mula sa iba’t ibang vaccine manufacturer maaaring gawing dalawa o tatlong shifts ang duty ng vaccinators kada araw.
Sa Hunyo, inaasahang matatapos ang pagbabakuna sa 3.4 milyong medical frontliner.