Idinaos ang unang quarter ng Quarter Online Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa bansa sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Marso 11 ganap na alas-2 ng hapon.
Pormal na binuksan ni Asec. Casiano C. Monilla, Civil Defense Deputy Administrator for operations Office of the Civil Defense ang naturang Earthquake drill sa pamamagitan ng pambungad na pahayag na sinundan ng mensahe ni Usec. Renato Solidum Jr. ng DOST at Officer in Charge ng PHIVOLCS.
Nilahukan ng iba’t ibang opisyal ng pamahalaan ang virtual earthquake drill kung saan live na ipinapanood ng NDRRMC sa YouTube at Facebook viewers ang sabayang pagsasagawa ng duck, cover at hold. —sa panulat ni Agustina Nolasco