Napagkasunduan ng Quezon City Government at mga obispo ng Dioceses of Cubao at Novaliches na limitahan ang isasagawang mga aktibidad para sa paggunita ng Semana Santa.
Ito’y para maiwasan pagtaas ng bilang ng kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ayon sa napagkasunduan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama sina Bishops Roberto Gaa at Honesto Ongtioco, magpapatupad sila ng ilang rerstriction sa paggunita ng holyweek simula 28 ng Marso hanggang a kwatro ng Abril.
Ipagbabawal muna ang pagsasagawa ng penitensya at pagpapapako sa krus.
Maging ang physical gathering sa pabasa ay gagawin na laman sa online.
Iminumungkahi rin nila na gawing online ang tradisyonal na visita Iglesia o stations of the cross.
Bukod dito, nilimitahan rin ang gagawing prusisyon ng mga santo sa convoy ng tatlong sasakyan lamang.
Samantala, sinuspinei rin ang public gatherings para sa palaspas o Palm Sunday sa Marso 28 at Easter Sunday o pasko ng muling pagkabuhay.— sa panulat ni Rashid Locsin