Umatras si world No. 2 tennis Star Rafael Nadal sa pagsali sa ATP 500 event sa Dubai.
Ito’y dahil sa natamong injury ng sa katatapos na Australian open ng talunin siya ni Stefanos Tsittsipas sa quarterfinals.
Kasunod nito, nagpasalamat si Nadal sa organizer ng Dubai tournament sa pag-imbita sa kaniya ngunit nalungkot ito dahil hindi siya makakapaglaro sa naturang event.
Samantala, tiniyak naman ni Nadal na maglalaro ito kapag gumaling na ng tuluyan ang kanyang injury.— sa panulat ni Rashid Locsin